Tagilid ngayon ang mga empleyado ng Quezon City Hall na tumatanggap o humihingi ng suhol sa kanilang kliyente.
Ito ay matapos balaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga empleyadong kotongero.
“Hindi natin palalampasin ang mga ganitong klaseng pang-aabuso at pagmamalabis sa ating mga QCitizen lalo na kung sangkot mismo ang ating mga kawani sa pamahalaan,” pahayag ni Belmonte.
Ang pahayag ay inilabas ng alkalde kasunod ng entrapment operation ng Quezon City Police District noong Huwebes, na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang empleyado ng City Treasurer’s Office. (Dolly Cabreza)