Mukhang madadalas ang pagpunta sa Pilipinas ng South Korean Superstar na si Lee Seung Gi dahil magiging business partner sila ni former Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
Ito ang ini-reveal ni Chavit nang makapanayam ng entertainment press last Friday sa kanyang Platinum Skies Aviation hangar habang hinihintay ang pagdating ni Lee Seung Gi.
Ayon sa kontrobersyal na politiko ay magtatayo raw sila ng Little Seoul sa Pilipinas sa Metrowalk sa Pasig.
“Magtatayo kami ng Little Seoul dito sa Metro Manila, mga buildings, mga centers. Do’n sa Metrowalk. Parang little Korea pero tatawagin nating Little Seoul,” pahayag niya..
“Mag-uumpisa pa lang. Baka abutin ‘yon ng two to three years. Ito ipa-finalize na. Hopefully magkapirmahan na pagpunta dito kasama ng mga kasama niyang investors,” dagdag ni Chavit.
Bukod dito, balak din daw niya na mag-produce ng movie for Lee Seung Gi.
“Of course, movie din para matulungan natin ang showbiz industry dito sa Pilipinas,” Singson said.
Pero kung sino’ng mga Pinoy stars ang makakasama ni Lee Seung Gi ay hindi pa muna idinetalye ni Chavit. Pero ang sure, magbabalik-balik daw dito ang Korean singer-actor.
Dumating sa bansa si Lee Seung Gi last Friday sakay ng private plane ni Chavit and shortly after ay humarap silang dalawa sa isang mini-presscon.
Matatandang noong nakaraang Marso ay bumisita si Lee Seung Gi sa Vigan, Ilocos Sur na balwarte ng politiko.
“I visited Vigan and I found it a beautiful city. Someday we would like to film a series there,” sabi ni Lee Seung Gi sa presscon.
“I was here for travel the last time and I really liked it. I was surprised that a lot of Filipinos recognized me, and I really enjoyed that moment,” sey pa ni Seung Gi sa pamamagitan ng kanyang interpreter.
Tungkol naman sa collaboration nila ni Chavit, ayon kay Lee Seung Gi. “it’s only our second time to meet but we are looking forward to more Philippine projects together.”
Welcome rin sa kanya ang ideyang makagawa ng Korean shows sa Pinas at makapag-release ng kanta in the near future.
“If there’s a chance, I’m keen to maybe release a song in Filipino. I really think if we can create Korean shows in the Philippines, it’s gonna be awesome,” he said.
Dumating sa bansa si Seung Gi para sa kanyang “Asia Tour Concert: The Dreamers Dream Chapter 2″ sa New Frontier, Cubao na ginanap kagabi, May 27.