NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P12 million na halaga ng unmarked diesel sa isinagawag follow-up operation sa Mariveles, Bataan.
Sa pahayag, sinabi ng BOC na ang operasyon ng Seafront Shipyard at Port Terminal Services Corporation sa Barangay Lucanin Mariveles ay nagmitsa sa pagkumpiska sa lorry truck na may 40 kiloliters ng diesel.
“The seized diesel was reportedly intended for loading to vessels Meridian Cinco and MV Seaborne Cargo 7 which are currently undergoing repair services at the said shipyard,” sinabi ng BOC.
Ayon sa mga representante ng Société Générale de Surveillance (SGS) kumuha sila ng samples ng diesel at nagsagawa ng fuel marking testing para malaman ang presensya ng fuel marker.
Ipinakita ang test na nagresulta sa 0% na presensya ng fuel marker.
Ayon kay District Collector Alexandra Y. Lumontad paglabag ito sa Sections 113 (a), (f), (k) at (I.1) of Republic Act No. 10863 ng “Customs Modernization and Tariff Act” (Catherine Reyes)