Bunsod ng paglapag ng Super Typhoon Betty na may international name na Mawar sa Philippine area of Responsibility (PAR), agad na kinansela ang biyahe ng flag carrier ng bansa.
Base sa forecast ng state weather bureau ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 1,170 kilometers sa Silangan ng Central Luzon kahapon ng alas-diyes ng umaga.
Nagdeklara na agad ng kanselasyon ng mga flights ang Philippine Airlines (PAL) sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.
“In anticipation of typhoon Mawar and in the interest of safety, we are cancelling the following flights,” base sa kanilang statement.
Kabilang sa mga nakanselang byahe ang PRO438 Nagoya-Manila-Nagoya nitong Mayo 27; PR2932/2933 Manila-Basco-Manila at PR2198; 2199 Manila-Laoag-Manila at PR2230/2231 Cebu-Baguio_Cebu nitong Mayo 28; PR2932/2933 Manila-Basco-Manila, PR2198/2199 Manila-Laoag-Manila at PR2230/2231 Cebu-Baguio_Cebu nitong Mayo 29; nitong May 30 naman ay ang PR2196/2197 Manila-Laoag-Manila, PR2198/2199 Manila-Laoag-Manila at PR2932/2933 Manila-Basco-Manila.
Sa Mayo 31 naman ay kanselado ang byahe ng PR2932/2933 Manila-Basco-Manila at PR2936/2937 Manila-Basco-Manila. (Betchai Julian)