WebClick Tracer

NEWS

Pasahero binuksan pinto ng eroplano sa ere

Isang lalaki ang dinampot ng mga awtoridad sa South Korea nang walang kaabog-abog nitong buksan ang emergency door ng sinaksakyang Asiana Airline habang nasa ere.

Nabatid na ang nasabing eroplano ay may sakay na 194 na pasahero.

Wala namang nasaktan maliban sa ilang mga pasahero na nakadama ng hirap sa paghinga habang ang iba ay nahimatay kaya sila mabilis na isinugod sa pagamutan.

Ligtas na lumapag ang eroplano sa Daengu International Airport habang ang dinampot na 30-anyos na suspek ay kinalaboso na at nahaharap ngayon sa mga kaukulang kaso.

Lumalabas na galing sa Jeju Island ang Flight OZ8124 na isang Airbus A321-200 jet at nakatakda na sanang lumapag ang eroplano nang buksan ng suspek ang pintuan habang nasa 250 metro mula sa lupain.

Hindi na naawat ng mga flight attendants ang lalaki dahil nakatakda nang lumapag ang nasabing eroplano.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on