WebClick Tracer

NEWS

PBBM nangakong ilulusot national land use bill

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bibigyan niya ng “urgent attention” ang panukalang maglalatag ng national land use policy sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Pier 88 sa Liloan, Cebu nitong Sabado, Mayo 27, sinabi ng Pangulo na hihimukin niya ang Kongreso para ipasa na ang panukalang National Land Use Act na isa sa kanyang mga prayoridad na legislative agenda.

“This time, we will see to it that this measure shall be given [the] urgent attention that it deserves, cognizant of its fundamental importance to our holistic national development,” wika ng Pangulo.

Una ng inaprubahan ng Kamara sa pangatlong pagbasa ang House Bill No. 6128 o National Land Use Act.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on