SUMAKAY ang San Miguel Beer sa 18 points, 21 rebounds ni Rodney Brondial para laktawan ang NorthPort 87-75 sa Caloocan Sports Complex Sabado ng gabi.
Nagpakalat ng 22 points si Jericho Cruz, may 14 si Terrence Romeo at inekisan ng Beermen ang unang panalo sa pangalawang subok sa PBA On Tour.
Inari ng SMB ang first quarter 19-6 bago nilista ng first 11 points ng second at umagwat hanggang 24 pero naibaba ng Batang Pier 39-34 sa break.
Pagbalik, muling nag-regroup ang hukbo ni coach Jorge Gallent at hindi na bumitaw.
Sadsad sa pangalawang sunod ang NorthPort, giniyahan ng 20 ni Paul Zamar at 18 ni MJ Ayaay.
(Vladi Eduarte)