WebClick Tracer

NEWS

`Betty’ tumamlay; signal No. 2 pa sa ilang lugar

Bahagyang humina ang Bagyong Betty ngunit nanatiling nakataas ang Storm Signal No 2 sa Cagayan, Batanes at Babuyan Island.

Sa ipinalabas na advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sinabi nito na huling namataan ang bagyo sa pagitan ng Aparri, Cagayan at Calayan, Cagayan, nagtataglay ito ng lakas ng hangin na 155kph at bugso na 190kph.

Nagbabala ang Pagasa na makakaranas ng malalakas na pag-uulan sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Pagasa Weather Specialist Chris Perez, nakataas ang Storm Signal No 1 sa Cagayan, Isabela, Apayao, Ilocos Norte, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Catanduanes, Camarines Sur, Polillo Island, Camarines Nore at Ilocos Sur.

Nagbabala ang Pagasa na sa loob ng susunod na 3 araw ay asahan ang pag-uulan dulot ng pinalakas na habagat partikular sa Mimaropa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan, Western Visayas, western portions ng Calabarzon, Central Luzon at Southern Luzon. (Tina Mendoza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on