raw itong politiko na binastos ng mga netizen sa paandar tungkol sa kanyang wedding?
Tsika ng ilang impormante kay Mang Teban, nag-throwback daw kasi itong politiko tungkol sa kanyang wedding higit isang dekada na ang nakaraan.
Noon daw kasi, marami pa ang hindi nauuso sa social media. Wala pang TikTok noon at hindi rin daw nito naabutan ang hashtag noong sila ay kinasal.
Kaya ang ginawa ng politiko, tinanong ang mga netizen kung ano ang nababagay na hashtag sa kanyang kasal kahit sa `ber’ month pa ang anniversary nila ni misis.
Partikular niyang sinabi kung ano ang nababagay na hashtag kung pagsasamahin ang kanyang pangalan at pangalan ng kanyang misis.
Marami naman ang kumasa sa pakulo ng politiko na minsang nagtrabahong mambabatas pero hindi na nakabalik dahil ilang beses na natalo.
May mga nagkomento ng mga sweet na hashtag sa mag-asawa, pero may nagbigay din ng hashtag tungkol sa masturbation. Sukat ba namang ilagay ang hashtag na #B—TI forever.
Hindi naman masisi ng iba ang netizen dahil bastos naman talaga kapag pinagsama ang first name ng politiko at ng kanyang asawa.
Clue: Ang politiko ay may letrang B sa kanyang pangalan at mahilig magsuot ng eyeglass.