WebClick Tracer

LIFESTYLE

Mahigit sa isang libong paraan

Ang kasabihang “There’s more than one way to skin a cat” ay nagumpisa pa noong 1600. Ngunit noong ika-19 na siglo noong 1840, ay may Americanong humorist na si Seba Smith, na isinulat nya sa kaniyang maikling kwento ito. ibig nya sabihin ay may ibang pamaraan upang kumita. Noong ako ay nasa training sa pagkaresidente bilang isang spesyalista sa buto, ganito din ang sinasabi ng aking training officer, “there are a thousand ways to skin a cat”. Hindi ibig sabihin ay literal kaming manghuhuli ng kuting, ngunit, may iba’t ibang pamamaraan malutas ang isang karamdaman. Lalo na sa amin sa orthopaedic surgery, na napakadami ang mga sinaunang pamamaraan at mga bagong teknolohiya na handa para sa aming mga pasyente. Ang pinakamahalaga ay ang mga prinsipyo kung paano malulutas ang karamdaman.

Ang halimbawa ay sa iba’t ibang kalagayan sa Orthopaedic Surgery, lalo na sa baling buto. Iba’t ibang bakal, implants, at mga instrumento upang maidugtong ang naghihiwalay na mga basag na buto. Mabuo ang mga ito, mahawakan ng mag bakal, mapa sa loob man o sa labas ng katawan, kaakibat ang panahon para tumubo ang bagong buto at kusang magdikit at bumuo ang buto upang maka kilos at makagalaw ang pasyente, para maibalik ang estado niya bago man lang maaksidente.

Ganito din sa General Surgery, ay may isang madalas na karamdaman na nauuwi sa pagka operaha, ang bato sa apdo o cholelithaiasis. Pwede naman obserbahan lang kung walang ibang sintomas. Ngunit kung may nararamdaman na pangingirot, punong puno ng hangin ang tiyan, kung malala na ay naninilaw ang balat at kakailanganin nang maoperahan. Ang ginagawa dito ay open cholecystectomy. Ang pagbukas ng abdomen para makuha ang apdo. Sa hiwa pa lamang ay may standard na Kocher incision kung tawagin. Sa ilalim ng tadyang o subcostal area sa gawing kanan para mas makita ng maayos ang atay at apdo. Pero napakahaba nito at matagal ang paghilom ng sugat. Pwede din naman ang hiwa ay sa gitna parang sa exploratory laparotomy, ngunit hindi naman kinakailangan na mahaba ang hiwa, mga 2 inches ay sapat na. Ang hirap lang dito ay kinakailangan na may ilang mga assistant para tumulong sa paghila o retract ng lugar para mas maexpose ang apdo. Meron din naman na minimally invasive o laparoscopic. Imbes na hiwa ay mistulang binubutasan o ginagawan ng portal na lamang ng ilang beses ang abdomen. Sa may pusod para mag insuflate ng CO2 para lumobo ang tiyan, kadikit ay isa pang portal para sa scope na ikinakabit sa camera, dugtong sa fiberoptic cable na nasa dulo ay isang malaking monitor. Sabay gawa ng dalawa pa para sa mga instrument upang magawa ang nararapat gawin para matanggal ang apdo. Ang mahalaga ay sa ganitong pamamaraan, nakuhang matanggal ang apdo upang gumaling sa karamdaman, kung papaano, may ilang paraan.

Hangga’t nalalaman ang kinakailangan mangyari, ang prinsipyo, at ang layunin. At mahalaga ay safe ang surgery din. Iba’t ibang klase ang pwedeng solusyon. Kausapin ninyo ang inyong doktor tungkol dito.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Remain vigilant!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwing huwebes 1pm at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan 9am sa DZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on