WebClick Tracer

METRO

2 nalagutan ng hininga sa balon

TODAS ang dalawang magsasaka matapos silang ma-suffocate sa malalim na balon sa Barangay Amguid, Candon City, Ilocos Sur noong Martes, May 30.

Kinilala ng Candon City Police Station (CCPS) ang biktima na sina Elmer Javillo, 42, at Jomar Galinato, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa CCPS, sina Javillo at Galinato ay lumusong sa balon na may lalim na 22 feet dahil may kukunin.

Ngunit paglusong nila’y hindi na nakalabas ang mga biktima.

Nasaksihan ni Diosdado Galinato ang pangyayari kaya humingi ito ng tulong sa CCPS at sa City Disaster Risk Reduction and Management Council na siyang nag-rescue sa mga biktima.

Dinala ang dalawa sa Ilocos Sur Medical Center ngunit sila ay dead-on-arrival na. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on