WebClick Tracer

METRO

Bebot bumulusok sa condo; nahubaran, braso natapyas

Humiwalay sa katawan ang kanang braso at nahubad pa ang suot na blusa ng isang di pa nakikilalang babae, na bumulusok kahapon mula sa ika-14 na palapag ng isang condo tower sa Malate, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District -Police Station 5, naganap ang insidente alas-9:15 ng umaga kung saan bumagsak ang biktima sa parking entrance ng condo.

Ayon sa security guard na si Garwin Wood, nakita niya mula sa itaas ang biktima at kung paano ito bumulusok.

Sinabi ni PLt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-homicide section na iniimbestigahan pa kung nagpakamatay o sadyang inihulog ang biktima sa condo. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on