Sa isang website, tiningnan ko ang standing ng mga nominado sa Outstanding Asian Stars award para sa Seoul International Drama Awards ngayong taon.
Limang Pinoy ang nominado sa nasabing kategorya: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza at Dennis Trillo.
Ang KathNiel ay nominated para sa seryeng “2 Good 2 Be True” samantalang sina Barbie, Julie Anne at Dennis ay mga kinatawan ng historical series na “Maria Clara at Ibarra.”
Nagsimula na ang botohan noong Hunyo 15 at matatapos ito sa Hulyo 14 or in less than 15 days.
Siyempre, mahalaga ang fan votes dito para manalo ang kanilang mga idolo.
Katunayan, sa Twitter, ini-encourage ng KathNiel fans na hatiin ang boto sa reel and real screen sweethearts.
As of this writing, nangunguna sa listahan si Kathryn na nakakuha ng 47.14% votes o 41,754 votes from respondents.
Pumapangalawa naman ang kanyang boyfriend na si Daniel na nakapagrehistro na ng 31. 42% votes o kabuuang 27,828 votes.
Nasa pangatlong puwesto naman si Julie Anne San Jose na may 19.38% votes o total na 17,164 votes.
Pang-apat na puwesto si Barbie na nakapagtala ng 2.0% ng total votes of 1,770 votes.
Nangungulelat naman sa ika-limang puwesto si Dennis Trillo na may 0.06% votes or 53 votes to be exact.
In less than 15 days ay malalaman na ang mananalo sa naturang fan-based award.
Kung pagbabatayan ang mga datos, napakalaki ng lamang ni Kathryn kina Julie Anne at Barbie kaya hinuhulaang siya na ang magiging runaway winner, not unless na sa last minute ay gumawa ng milagro ang kafaneyan ni Julie Anne para itaob ang Kapamilya superstar.
At the rate things are going, ayon sa kibitzers, malayo na rin daw makahabol ng tinaguriang “Asia’s Limitless Star” kay Kathryn lalo pa’t higit sa kalahati ang kalamangan ng nobya ni DJ.
Ang mananalo sa botohan pagkatapos ng Hulyo 14 ay inaasahang dadalo sa awarding ceremony na gaganapin sa Seoul, Korea sa Setyembre 21.
Ang previous winners ng Outstanding Asian Star Awards ay sina Belle Mariano, Alden Richards, Dingdong Dantes, Gabby Concepcion, at Dennis Trillo.
Kung mananalo si Kathryn, siya ang tatanghaling ikaanim na celebrity sa Pinas na makakakopo ng nabanggit na award. (Archie Liao)
See Related Stories:
Tony Labrusca inalala ang first time kay Kathryn Bernardo
Alden type hatakin sa serye ni Kathryn