WebClick Tracer

SPORTS

Fiola Ceballos, PLDT Home Fibr tinaob Kinh Bac Bac Ninh

STANDING

TEAM W L

Creamline 3 0

Kurashiki 2 0

PLDT HF 2 2

F2 Logistics 1 2

Cignal 1 3

KBBN 0 2

Mga laro ngayon

(PhilSports Arena-Pasig)

4 pm – Creamline vs Kinh Bac Bac Ninh

6:30 pm – F2 Logistics vs Kurashiki Ablaze

Nagsabwatan sina Fiona Mae Ceballos at Honey Royse Tubino upang ikadena ng PLDT Home Fibr ang pangalawang sunod na panalo kontra Kinh Bac Bac Ninh-Vietnam, 25-23, 25-14, 25-23, sa 6th Premier Volleyball League Invitational Conference 2023 semifinals Lunes ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig.

Kumana si Outside hitter Tubino ng 12 points habang may krusyal na 11 si Ceballos upang hiranging best player of the game sa pagtulak sa High Speed Hitters sa 2-2 karta at manatling may tsansa sa finals sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

Bumakas si Michelle Morente ng 11 markers para sa PLDT na sunod na makakalaban ang Kurashiki Ablaze-Japan sa Huwebes sa kaganapang mga hatid ng BingoPlus, ArenaPlus, Mikasa, Smart, Rebisco, Kumu, Asics at SportRadar.

“Happy for the game, nagawa namin ang pinag-planuhan namin, also happy for the players who stepped up off the bench,” suma ni winning coach Rald Ricafort na sinalya ang Vietnamese sa 0-2 sa liga na ineere sa PVL.ph, One Sports, One Sports+, Smart Livestream, Cignal Play at Pilipinas Live.

Trangka sa opensiba ng visiting squad sina Huong Nguyen at Xuan Le led Kinh Bac-Bac Ninh na mga umiskor ng 14 at 12, ayon sa pagkakasunod.

Kailangan nilang manalo ngayong araw kontra defending champions Creamline (4-0) upang manatili pa sa kontensyon. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on