WebClick Tracer

SPORTS

Nikki Cheng may mahalagang mga ihahayag sa PSA Forum

Bowling at ice skating ang paksa sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon (Martes) sa Rizal Memorial Sports Complex conference hall sa Malate, Manila.

Dadalo ang mga pambansang bowler na sina Art Barrientos, Marc Custodio at Stephen Diwa sa lingguhang sesyon upang ikuwento ang kanilang mga karanasan sa 21st Asian Youth Tenpin Bowling Championships sa Thailand kung saan nakakuha ang bansa ng dalawang medalyang ginto.

Magbibigay naman ng mga kaganapan si Philippine Skating Union president Nikki Cheng at national coach Abraham Domdom sa kanilang mga programa sa talakayang mga suportado ng San Miguel Corporation (SMC), Philippine Sports Commission (PSC), MILO, Philippine Olympic Committee (POC)at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang PSA Forum ay may livestreamed sa pamamagitan ng PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at may delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 FB page rin. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on