Noong nagsisimula pa lang si Seth Fedelin ay lagi na lamang siyang naikukumpara kay Daniel Padilla.
Bukod kasi sa may pagkakahawig, maging sa kilos at pananalita, ay sinasabing poor copy siya ng dyowa ni Kathryn Bernardo na itinuturing niyang kuya.
Dahil dito, madalas ding may nang-uurot na nabubuhay siya umano sa anino ng kanyang idolo.
Katunayan, sa isang panayam ay inamin ng aktor na naba-bad trip siya kapag naihahambing kay Daniel.
Ayon pa sa aktor, gusto raw kasi niyang magkaroon ng sariling identity sa showbiz .Nilinaw rin niya na hindi niya ginagaya si DJ.
It seems naman na tapos na ang magiging comparison sa aktor sa tinaguriang Teen King.
Lately kasi, nag-trending ang aktor dahil sa performance niya bilang Nico sa latest episode ng “Dirty Linen.”
May mga naiyak sa eksenang pinipigilan niya ang kanyang pag-iyak sa harap ni Francine .Pero noong tumalikod ay saka bumuhos ang luhang pilit na kumakawala sa dibdib dulot ng sakit ng kanilang paghihiwalay.
Ito ang ilan sa mga komento ng kibitzers sa kanilang pagganap.
“Ang saket mo panooring umiyak seth… bagay na bagay kayo ni chin, best at iyakan scene.”
“After a romcom movie, I wanna see FranSeth in more heavy-dramatic serye like this. I feel like they belong to this kind of genre, marami tayong mapipiga sa dalawang bagets nato”
“Great job, Seth. Ang galing mo!!!”
“More dramatic roles, Seth. Congrats!”
“Babu na siya sa anino ni Daniel.”
META DESCRIPTION: Maraming netizen ang pinabilib ni Seth Fedelin sa kanyang acting sa latest episode ng kanyang serye.Hirit ng kibitzers, babu na raw ang aktor sa anino ni Daniel Padilla na laging naikukumpara sa kanya.