NI: ROLDAN CASTRO
Nagustuhan ni Marco Gallo ang kabaitan at pagiging maalaga ni Heaven Peralejo. Hindi man sila umaamin sa estado ng kanilang relasyon, binuking naman sila na sweet sa shooting ng pelikuklang “The Ship Show.”
Abangan sina Marco at Heaven kasama ng iba pang cast sa pagsali nila sa ‘The Ship Show,’ in cinemas nationwide simula ngayong August 9, 2023.
Isang romantic-comedy movie mula kay Jason Paul Laxamana, ang The Ship Show ay tungkol sa twelve participants na hinati sa six pairings para sumali sa isang reality show . Ang mananalo ay magiging next big love team ng bansa.
Kilalanin ang anim na love team ng The Ship Show, ang unlikely pairing ng introvert na si Araw (Marco Gallo) at ng masayahing si Chia (Heaven Peralejo), ang cheerful duo na sina Nestor (Tomas Rodriquez) at Tintin (Ashtine Olviga), ang sexy at oozing with confidence pair-up nina Ashley (PJ Rosario) at Belline (Angelic Guzman), ang mag-ex na si Buddy (Rabin Angeles) at Shey (Bianca Santos), ang music lovers na sina Elbrich (Migo Valid) at Marge (Janine Teñoso), at ang “brainy love team” nina Monti (Martin Venegas) at Amor (Madelaine Red). Ang young cast na ito ay magandang addition sa chemistry nina Marco at Heaven, at siguradong mag-aambag sa excitement, saya, at kilig sa storya.
Sa mga haharapin nilang tasks, dapat mahuli nila ang kilig at makuha ng mga couple ang boto ng mga shippers para malampasan ang lahat ng elimination round. At kagaya ng kahit anong kompetisyon, mas magiging mahirap ang bawat challenges sa pagpapatuloy ng show na susubok sa tibay ng lahat ng couples.
Panoorin kung paano babaguhin ng show ang mga buhay nila at kung paanong ang mga onscreen team-ups ay mauwi sa real feelings. Tama ba sila ng mga piniling partner? O, mas bagay ang iba sa ibang participants? Sinong love team ang unang matatanggal? Sino ang aabot hanggang sa dulo? Kaninong ship ang lulubog? Kaninong ship ang maglalayag?
Ang The Ship Show ay ang follow-up project nina Marco Gallo at Heaven Peralejo matapos ang massive success ng series nilang ‘The Rain in España’ na umere sa TV5 at mapapanood din sa Viva One. Ang The Ship Show rin ang first lead role nila sa pelikula bilang magka-love team na tiyak na ikakasaya at aabangan ng kanilang avid fans at supporters.
Mula sa Viva Films, MarVen fans, ready na ba kayo?
Dadalhin nina Heaven at Marco ang kanilang chemistry sa big screen.