Bukas pa rin ang gate ng ilang dam sa Luzon para sa pagpapakawala ng tubig kasunod ng ilang araw na pag-uulan dala ng hanging habagat na pinalalakas ng bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon sa Pagasa, patuloy ang pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao Dam at Binga Dam sa Benguet dahil sa lagpas pa sa Normal High water level ang reserba nito.
Dala ng pag-uulan ay tumaas din ang water level sa ilan pang dam sa Luzon kabilang ang Angat Dam na na nasa 199.82 meters; La Mesa Dam: 79.36 meters; Pantabangan Dam: 191.12 meters at Caliraya Dam na nasa 287.81 meters
Ang pagtaas ng tubig sa Angat Dam ay magandang balita kasunod na rin ng pagkababa ng antas ng tubig nito noong buwan ng Hulyo, ang Angat ang nagsu-supply ng tubig sa Metro Manila at sa irigasyon. (Tina Mendoza)