WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Senador ginamit sa pekeng endorsement letter

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong miyembro ng Senado na ginamit ang pangalan sa pekeng endorsement letter ng isang empleyado ng kapulungan?

Nasabat ni Mang Teban ang kuwento ng ilang Marites na itong empleyado raw, na may ranggong director, ay gustong magpalipat ng bureau.

Tingin kasi ng empleyado na bansagan nating “direk”, nasa kangkungan siya ngayon kaya gustong magpalipat sa ibang bureau kung saan gamay niya ang trabaho.

Alam niyang marami ang kokontra sa kanyang da moves kaya gumawa raw ito ng pekeng endorsement letter.

Aba’y ginamit daw ang pangalan ng isang senador para palabasin na sumusuporta na malipat siya ng ibang departamento. Nandoon din ang pangalan ng isang mataas na opisyal ng Senado.

Lusot na sana ang pambubudol ni direk pero nabisto ito ng mataas na opisyal ng Senado.

Alam kasi ng opisyal ang karakas ni direk dahil ilang beses na itong nameke ng dokumento pero masuwerteng nalusutan sa tulong ng dating kakampink este kakamping senador.

Natsismis din itong nangmanyak ng isang empleyada at binalak na chorvahin sa isang motel sa Pasay City.

Clue: Ang senador na ginamit sa pekeng endorsement letter ay malapit kuno sa Panginoon, habang itong si direk na atat magpalipat ay hindi nagpapaunat ng buhok.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on