Usap-usapan ang isang viral video na makikitang ini-interview ng isang bata si Bea Alonzo.
Actually, walang kamalay-malay ang nasabing bata na isang sikat na artista ang kausap niya.
Naganap ang nabanggit na interview sa isang hawker place sa Singapore.
Sa video na inupload ng TikTok user na si @humptydumb, mapapanood ang aniya’y kanyang kapatid.
My caption itong: “My brother just sent me this video and said he met someone on their trip to Singapore.”
Sa unang bahagi ng video, masisilip ang bata na lumapit kay Bea na noon ay kumakain.
On the spot nitong tinanong ang Kapuso actress na: “Excuse me, what are you famous of?”
Tugon naman ni Bea: “I’m a movie actress, so maybe that’s it.”
Pagkatapos nito ay sinundan pa ito ng iba pang pag-uurirat tulad ng pakay ng trip ni Bea na game namang pinaunlakan ng aktres.
Pag-usisisa ng bata sa aktres: “Why are you here in Singapore?”
“Because we’re celebrating my boyfriend’s birthday,” sagot ni Bea.
Sa huling bahagi ng video, makikita naman ang pagdating ng fiancé ni Bea na si Dominic Roque.
Bagamat marami ang naaliw sa nabanggit na video, may mga nagmamaldita namang inokray ang aktres.
Hirit ng mga intrigera, gaya-gaya umano at ayaw pasapaw raw ni Bea kay Anne Curtis.
Matatandaang unang nag-trending noon si Anne nang makapanayam siya ng isang TikTok user na si Shan Rizwan .Natanong din ang aktres sa kanyang trabaho
.
Wala ring ideya ang naturang social media influencer na isang celebrity ang kanyang ini-interview.