WebClick Tracer

METRO

Lalaki nilikida, hinagis sa gilid ng ilog

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang itinapon sa gilid ng ilog sa Sitio Sinturisan, Brgy Manggalang Bantilan, Sariaya, Quezon nitong Linggo.

Nadiskubre ng mga residente ang katawan ng biktima ala-una ng hapon na tinatayang nasa edad 45-50.

Ayon sa mga residente, hindi tagaroon sa kanilang barangay ang biktima at hindi ito pamilyar sa kanila.

Duguan ito at hinihinalang may tama ng hindi pa matukoy na armas.

Wala rin anila silang narinig na anumang putok ng baril o kaguluhang nangyari sa lugar.

Ayon naman sa Sariaya police, posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang doon ang bangkay para iligaw ang imbestigasyon.

Isinailalim na ito sa pagsusuri ng SOCO at inaalam kung ano ang ikinasawi nito at ang kanyang pagkakakilanlan. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on