WebClick Tracer

SPORTS

Piepet Prebillo, Peter Molina ariba agad sa ROTC Games

Itinakbo agad nina Piepet Prebillo ng Filamera Christian School of Capiz at Peter Molina ng West Visayas State University ang unang dalawang medalyang ginto nang pamayagpagan ang 1st ROTC Games Visayas Leg 2023 athletics women’s & men’s 200-meter dash Martes sa Iloilo City Sports Complex.

Pumosteang 20-year-old Army cadet na si Prebillo, second year student ng BS Criminology, ng 27.91 seconds sa palaro ng CHED, PSC, DND, AFP at ng Tanggapan ni Sen. Francis Tolentino.

Umangas din agad si, Molina, third year Physical Education student, sa 23.50-clocking.

Pinasalamatan ng dalawang kadete ang mga nasa likod ng sportsfest na daan sa pagbuhay sa Reserve Officers Training Course sa paniwala nilang makakatulong ito sa mga estudyante na mas maging disiplinado. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on