WebClick Tracer

METRO

Ulo ng siklista nadurog sa oil tanker

Durog ang ulo ng isang siklista nang mabundol at masagasaan pa ng oil tanker sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Elmar Usacdin, 58, ng Brgy. Manresa. Arestado naman ang driver ng oil tanker na si Jesus Diamante, 43, ng Brgy. Pinagkaisang Nayon, QC.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Sector 4, alas-12:15 ng tanghali (August 14) nang maganap ang aksidente.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang oil tanker na dahan-dahang lumiliko sa Araneta Avenue, mula sa Quezon Avenue, Brgy. Tatalon, nang mahagip nito at mabundol ang nagbibisikletang biktima.

Nakaladkad at nagulungan ng oil tanker ang biktima na agad na binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Hinabol naman ng mga rider ang suspek. Anang suspek, hindi raw niya nakita ang siklista. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on