WebClick Tracer

METRO

Departure ng NAIA nabulabog sa bomba

Nabulabog ang mga tauhan ng Airport Polic Department (APD) at Philippine National Police- Aviation Security group matapos makatanggap ng bomb threat ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 kahapon ng umaga.

Sa impormasyon mula sa isang source ay nakarating ang bomb threat sa pamamagitan ng text messages sa departure area ng NAIA terminal 1.

Agad nag-deploy ang PNP Avsegroup ng mga K9 unit na siyang nagsasagawa ng paneling katuwang ang mga operatiba ng special operations Unit ng PNP at EOD para alamin ang sinasabing bomba.

Tumagal ng halos 3-oras ang ginawang paneling ng mga awtoridad para matiyak na ligtas ang mga pasahero sa loob ng paliparan.

Bagamat negatibo sa bomba ang pasilidad ng airport, patuloy pa rin ang random inspection at paneling ng K9 unit ng PNP Avsegroup. (Otto Osorio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on