WebClick Tracer

OPINION

May mabigat na kalaban si VP Sara sa 2028

Mas mauuna ang 2025 mid-term elections para mas pinag-uusapan na ang 2028 presidential elections.

Ganito ka-excited ang mga nagbabantay sa larangan ng politika na malaman at subaybayan kung sino ang mga maglalaban-laban sa pinakamataas na posisyon sa bansa matapos ang kasalukuyang liderato ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.

Sinu-sino nga ba ang mga pinag-uusapan na papalit kay Presidente Marcos?

Kung ang hanay ng mga nasa posisyon ang pag-uusapan, unang papasok sa eksena si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte- Carpio dahil nga sa katotohanang siya at siya lamang talaga ang puwedeng pumalit kay PBBM sa situwasyong hindi na nito kayang pamunuan ng pamahalaan kung ang Saligang Batas ang pagbabatayan.

Pero kahit na pag-usapan ang hanay ng mga posisyon sa pamahalaan, lumulutang pa rin ang pangalan ng Bise Presidente dahil nga gusto daw niyang ipagpatuloy kung ano man ang naumpisahan ng kanyang tatay na si Ex-President Rodrigo Duterte.

Lalo pa nga’t napapabalitang ang sinasabing presidential ambition ng Bise Presidente ay tinutukuran ng dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na kung babalikan ang history sa politika ay talaga namang kakaiba ang naitala.

Ang tanong ngayon ay sino ang puwedeng ipantapat kay VP Sara Duterte?

Kung sa tikas, personalidad at pagiging street smart din lamang naman ang pag-uusapan, sa palagay ko ay uubrang ipantapat sa kanya si Senador Lito Lapid.

Kung kasaysayan at kasaysayan din lamang naman kasi sa politika ang pag-uusapan, hindi pa natalo itong si Lapid sa kanyang balwarte at kaya lamang ito nawawala sa puwesto ay dahil natatapos ang termino.

Ang bali-balita nga ngayon sa Pampanga ay bantay sarado si Senador Lapid ng mga Pineda ng Pampanga sa pangambang labanan sila nito sa governatorial elections.

Balik sa posibilidad na Duterte-Lapid face-off sa 2028 Presidential elections, mukhang mayroon ding malakas na pagkukunan ng boto ang senador dahil sa mga impormasyong aking nakalap, bukas na bukas palagi ang kanyang tanggapan sa kahit na sinong indibiduwal o grupo na nangangailangan ng tulong o pag-alalay.

Literal na may busilak na kalooban itong si Lapid kung ang mga malalapit sa kanya ang kakausapin at tatanungin sa pagkatao ng mambabatas.

Kung mga panukala at panukalang naging batas ang pag-uusapan, hindi rin magpapaiwan sa kangkungan itong Lapid dahil kahit na hindi siya masyadong nagsasasalita sa plenaryo at mga pagdinig sa Senado ay mismong ang listahan ng institusyon ang magpapatunay ng kanyang mga nagawa.

Higit sa lahat, natural na malapit at me appeal sa tao itong si Senador Lapid.

So abangers ako sa kanya guys.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on