WebClick Tracer

NEWS

Mga trucker kinasa dagdag-singil

Nagbabantang muling sumirit ang inflation matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo nitong mga nakaraang linggo.

Ayon kay Confederation of Truckers Association of the Philippines President Mary Zapata, nagmahal na ng 14% ang presyo ng krudo na nasa P61 kada litro o higit pa ngayon mula sa P53 noong Hulyo. Dahil dito, magtataas ng 10-14% ang singil ng mga truckers.

Ani Zapata, 50% ng gastusin sa trucker ay napupunta sa krudo. Hindi limitado sa panggasolina ang pagtaas ng presyo ng krudo.

“‘Pag tumaas ang krudo, hindi lang naman krudo lang. Tataas na rin ang iba kasama na ang mga spare parts,” sabi ni Zapata.

(Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on