WebClick Tracer

NEWS

Pagala-galang Vietnamese, sinagip

SINAGIP ng pulisya ang isang Vietnamese national na naglalakad sa Cavitex Expressway sa Kawit, Cavite Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang Vietnamese na si Van Loi Diep, 29, tubong Luck Ham Vietnam, isang encoder ng Dong Hung Luck Nam Bac Giang Vietnam.

Sa ulat ni Police Staff Sergeant Nelvin Traico, ng Kawit Police Station, ala-1:50 kahapon ng madaling araw nang mapansin nina Security Officer Nitro Rodel at PSO Arvin Pangilinan na naglalakad ang dayuhan sa kahabaan ng Cavitex Toll Plaza, Brgy Pulvorista, Kawit Cavite ng mga security guard dahilan upang i-turn over ito sa awtoridad.

Hiniling umano ng nasabing dayuhan na i-turn over siya sa kapwa niya Vietnamese national.

Inaalam pa kung saan galing o papunta ang nasabing dayuhan. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on