Ilalarga ang unang 5150 Triathlon Dapitan sa Sept. 10 na may kakaibang hatid sa maraming paraan at sasabakan ng mga beterano ng Olympic distance triathlon, a champion golfer at celebrity sa endurance race na malamang mpabilang sa kasaysayan.
Asinta ni Boholano Jonathan Pagaura, sumegunda sa Sun Life 5150 sa balwarte niya sa nagdaang taon, ang primero puwesto sa pagkakataong ito, parehong sa kanyang age-group category (25-29) at sa overall championship, sa Shrine City of the Philippines, na tinitiyak ang katagumpayan sa pagsilang ng 1.5-kilometer swim, 50km bike, 10K run race sa Zamboanga del Norte.
Pinangako ni Mayor Seth ‘Bullet’ Jalosjos at ng kabuuan ng Lungsod ng Dapitan ang paga-aruga sa lahat ng mga nangungunang triathlete at rising star ng bansa para sa lumalaking tri-sport at kakaibang karanasan sa misyong makapagtaguyod din ng IRONMAN 70.3 sa hinaharap.
Kasama ni Pagauran sa maagang mga nagparehistro ang mga karibal na sina David Gordon, Alfred Sajulga, John Paul Paluca, Jeremy Pepito, Alex Limbo at Eric Gallardo, 20-24 campaigners RJ Vince Cabahug, Nikko Baguisa, Jacob Taylor, Jed Mission and Jesus Castillo II at 30-34 entries Banjo Norte, Rey Gomez, Nikko Ramirez at Erwin de Guzman.
Nasa women’s side naman sina Mia Piccio,na dating SEA Games golf team gold medalist, at showbiz personality Bubbles Paraiso. Gayundin sina Angela Gatuslao, Valerie Marcos, Anne Relova, Arianne Durana, Pearl Dela Cruz, Kristine Macalisang at Luigine Tan.
Umabot na sa kasalukuyan sa 334 ang mga kalahok para sa lugar na pinagkulungan dati kay national hero Dr. Jose Rizal, saktong tatlong linggo bago pagtakbo ng blue-ribbon event.
Magpapainit sa 5150 Dapitan, idaraos din para sa promosyon ng lokal na turismo, ang Go for Gold Sunrise Sprint ( 750m open-water swim, 20km bike ride, 5km run), at ang Noli 3K Fun Run sa Sept. 9 patungo sa tampok na karera.
Ang pangkalahatang mananalong lalaki’t babae sa 5150 ay mga mabibiyayaan ng tig-P175K samantalang sa Sprint ay P75K bawat isa, ayon Huwebes sa nag-organisang The IRONMAN Group.
Para sa mga detalye pa at pagpapalista, mag-log on sa www.ironman.com/5150-dapitan-philippines-register.
(Ramil Cruz)