WebClick Tracer

METRO

Missing preso sa bilibid nasakote

Matapos ang ilang linggong paghahanap kung buhay pa o patay na ang Person Deprived of Liberty (PDL) ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na si Michael Cataroja ay muli itong naaresto kahapon ng hapon sa Binangonan, Rizal.

Ito ang kinumpirma kagabi ni Rizal Provincial Director (PD) Police Col. Dominic Baccay kasunod ng ilang linggo umano nilang surveillance na isinagawa laban sa suspek.

Batay sa ulat, Huwebes ng hapon nang muling madakip si Cataroja ng mga tauhan ng Rizal Police Provincial Office (PPO) sa bayan ng Binangonan subalit bukod dito ay hindi na pinalawig pa ni Baccay ang detalye ng pagkakahuli sa nasbing PDL.

Kasalukuyan pang isinasailalim sa documentation at proper disposition si Cataroja sa Rizal Police Provincial Office.

Nabatid na nakatakda munang iharap kay Police Regional Office (PRO) 4A Director, P/BGen. Carlito Gaces si Cataroja bago ito i-turnover sa Bureau of Corrections (Bucor) sa mga susunod na araw.

Matatandaang nauna ng sinabi ng Bucor na hindi nila alam kung nasaan si Cataroja at kung ito ay buhay pa o patay na.

Sa House public order and safety committee probe kasi sa kaso ni Cataroja, sinabi ni Bucor Director General Gregorio Catapang Jr., na nawawala ang nasabing PDL.

Nauna na ring sinabi ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang butong nakuha sa isang septic tank sa loob ng NBP ay buto ni Cataroja subalit ang impormasyon na ibinigay dito ay fake news matapos na malamang buto ng manok ang nakalkal sa loob ng septic tank.

Ipinag-utos naman ni Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na imbestigahan kung

paano nakapuga mula sa Bilibid si Cataroja at kung sino ang responsable sa kanyang pagtakas. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on