WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Assistant principal todas sa bulagaan

Patay ang babaeng assistant principal habang sugatan ang isa pang motorista sa salpukan ng isang mini van at pick-up sa highway sakop ng Barangay Sarmiento sa Parang, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ni Police Major Christopher Cabugwang, hepe ng Parang Municipal Police Station ang nasawing biktima na si Aida Wahao Dirampatan, assistant principal ng Buldon High School sa nabanggit na bayan at driver ng asul na mini van.

Inoobserbahan naman sa pagamutan ang driver ng Toyota Hilux na si Ramil Ocampo, na nakabanggaan ng nasawing biktima.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas-2:00 ng hapon.

Magkasalungat umanong binabaybay ng dalawang sasakyan ang kalsada ng pagsapit sa nabanggit na lugar ay isang head on collision ang naganap sa kanila.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on