Inokray ng mga netizen si Chito Miranda kaugnay nang naging post niya tungkol sa Golden Age of OPM.
Aniya, ngayon daw ang tamang panahon na itinuturing niyang golden age of OPM.
Siyempre, hindi naman papayag ang maka-80s at 90s na fans ng OPM icons na namayagpag noong nasabing eras.
Hirit nila, mas de kalidad daw naman ang mga kantang pinasikat ng mga OPM greats noon kesa sa kasalukuyan.
Sa kanyang post naman, nagpaliwanag ang Parokya ni Edgar frontman kung bakit sa palagay niya’y mas namamayagpag ngayon ang OPM music.
Noong ’90s daw ay underpaid silang mga artist.
Para raw kasi silang second class citizens noon compared sa mainstream singers at artists na walang disenteng stage, dressing room o magandang sound system.
Dagdag pa niya, with the advent of social media, ngayon daw ay nabibigyan na ng pagkakataon ang artists at bands na sumikat na hindi naka-depende sa mainstream media o recording companies.
Pwede na rin daw silang mag-record at mag-release kung kailan nila gusto sa iba’t-ibang platform.
Kumbaga, naririnig daw ang kanilang artistic expression without compromise.
Kapag um-attend daw sila ng concerts at musicfests, ang artists ay suportado ng major sponsors, high tech ang sound system at naka-business class pa palagi.
Sobrang importansya raw ang binibigay sa kanila ngayon kumpara noong ’90s. (Archie Liao)