WebClick Tracer

SPORTS

Dela Paz chess pigaan ng utak

TUTULAK na ang 1st Barangay Dela Paz chess competition ngayong Linggo, alas-8 ng umaga, sa Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Sinabi ni chess tournament in-charge Pastor Jason Rojo ng Castle Chess Academy na ang 1-day event ay bukas sa lahat ng bonafide na residente ng Barangay Dela Paz, edad 6 na taong gulang pataas.

“Ang mga aktibidad na ito ay eksklusibong pinasimulan para sa lahat ng bonafide na residente ng Barangay Dela Paz para kilalanin nila ang kakayahan ng kanilang sariling ka-barangay,” ani Rojo.

“Ito ay isang mahusay na pagkakataon para sa mga mahilig sa chess sa lahat ng edad upang ipakita ang kanilang mga kasanayan, madiskarteng pag-iisip at mapagkumpitensiyang espiritu sa isang palakaibigang kapaligiran.

Inaanyayahan namin ang lahat na lumahok at maranasan ang kilig ng chess sa abot ng kanyang makakaya,” sabi ni SK Chairperson Elyssa Mae “Sam” A. Rivera. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on