WebClick Tracer

SPORTS

GSU, UNO-R tigasin sa ROTC Games volley

ILOILO CITY – KAMPEON ang Guimaras State University (GSU) at University of Negros Occidental-Recoletos (UNO-R) sa kani-kanilang dibisyon sa women’s volleyball event ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Games Visayas Leg na nagtapos Sabdo, Agosto 19, sa University of San Agustin Gymnasium.

Itinumba ng GSU ang Colegio de Santa Ana de Victorias, 25-17, 19-25, 25-21, 25-19, para magreyna sa Army bracket, samantalang ang UNO-R ay hindi halos pinagpawisan sa pagwalis sa Negros Oriental State University-Recoletos, 25-17, 25-14, 25-10, para mangibabaw sa Air Force side.

Sa boxing event, ginto si Efondo Joeler ng Army sa 48-51 kilograms category nang payukuin si Romeo Caluspos, habang si Alfred Deslate ay namayani kontra kay Christian Moses sa 51-54kgs top honors.

Panis naman kay Renz Puyong si Klent Pareno upang sungkitin ang gold sa 54-57kgs, maging sina Love Heart Marino (51-54kgs) at Ranie Caringan (54-57kgs) ay mga nagkampeon din. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on