Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Prieto Diaz, Sorsogon kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 107 kilometro. Nangyari ito alas-2:35 ng madaling-araw.
Naramdaman ang Intensity III sa Prieto Diaz Sorsogon at Intensity II sa Magallenes at Bulusan sa Sorsogon habang intensity I naman ang naitala sa City of Legazpi, Albay at Panganiban, Catanduanes.
Wala namang naiulat na nasirang ari-arian.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol, ayon na rin sa Phivolcs.