WebClick Tracer

NEWS

Manila Water nilarga `Puno ng Pag-asa’ program

Patuloy ang mga adbokasiya ng Manila Water para sa seguridad ng tubig at pagpapagaan ng epekto ng climate change sa pamamagitan ng mga tree planting activity na isinagawa ng mga operating units nito sa non-east zone sa ilalim ng “Pasibol: Puno ng Pag-asa” program.

Ang operating unit ng Manila Water na Calbayog Water Company sa Samar, sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources-Protected Area Management Board (DENR-PAMB) sa Calbayog City, ay nakapagtanim ng 625 puno, kabilang dito ang cacao, pili at toog sa Brgy. Manuel Barral, Oquendo District.

Itinanim ang mga puno sa protected area ng Pan-as Hayiban Watershed sa Hamonini River, na isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng tubig ng Calbayog City. Nasa 1.25 ektarya ng protected area sa Pan-as Hayiban Watershed ang tinataniman ng mga puno ng Calbayog Water.

Nagsagawa rin ng tree planting activity ang operating unit ng Manila Water sa Boracay Island sa pakikipagtulungan sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa Nabaoy Watershed sa Sitio Mananga, Brgy. Nabaoy, Malay, Aklan.

Lumahok sa aktibidad ang mga environmental warrior mula sa Boracay Multi-Forest Protection Committee, Community Environment and Natural Resources Office-Boracay, Municipal Environment and Natural Resources Office-Malay, Nabaoy Council, mga guro at estudyante ng Nabaoy Elementary School, Coast Guard Station Aklan, Malay Municipal Police Station, at mga magsasaka mula sa Nabaoy Forest Farmers Development Association.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on