WebClick Tracer

NEWS

Villar pabibigatin parusa sa agri smuggling

Tiniyak ni Senador Cynthia Villar na ipupursige niya ang pag-apruba sa isinusulong na mga panukalang amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 upang higit na mapalakas ang naturang batas.

Kaugnay na rin ito ng pagtaas ng presyo ng bigas sa mga palengke na sinisi ng senador sa mga mapagsamantalang negosyante na nagpapakalat umano ng maling impormasyon ukol sa kakulangan ng suplay ng bigas.

Ayon kay Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture, good and agrarian reform, walang shortage o kakulangan sa supply ng bigas sa bansa at ito’y base mismo sa report ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng Department of Agriculture.

Aniya, ang mga negosyante lamang ang nagpapalaki sa sitwasyon upang magkaroon ng dahilan ang mga ito para magtaas ng presyo bagama’t ang katotohanan ay wala naman umanong rice shortage sa bansa.

“Wala akong nakikitang problema, siyempre `yung ating mga trader kinukuha nila `yung opportunity para makapagtaas sila ng presyo kaya ini- exaggerate nila `yung problema… kasi `yun ang magpapataas ng presyo kung makikinig ang mga tao… dapat ang ang mga tao hindi dapat makikinig kasi hindi naman ganun ang problema,” ayon pa kay Villar sa panayam ng DWIZ.(Eralyn Prado)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on