WebClick Tracer

METRO

Dyowa tinadtad ng taga sa kama

Wala nang buhay at tadtad ng taga nang madiskubre ang bangkay ng isang babae sa loob ng kuwarto sa kanilang bahay sa Biñan City, Laguna noong Sabado nang gabi.

Ayon sa report ng Biñan police, mga tama ng taga sa mukha ang ikinasawi ang biktimang si Janette Lucero, ng Barangay Mamplasan sa nasabing lungsod, na nakitang nakahandusay sa kanilang kama.

Lumalabas sa imbesigasyon na ang live in partner ng biktima na si Marlo Prejoles ang suspek sa krimen.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, narinig nila na nag-aaway sina Lucero at Prejoles bago nadiskubre ang bangkay ng biktima bandang alas-sais nang gabi.

Nang tumahimik ang paligid, nakita ang suspek na lumabas ng bahay.

Hindi nila nakita ang biktima kaya sinilip nila ito sa bahay at laking gulat nila nang bumungad ang duguan nitong bangkay sa kama.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong murder. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on