KAMPEON na naman si Lionel Messi.
Umiskor si Messi sa kaagahan ng regulation bago naipasok ang first shot sa penalty kick at tinalo ng Inter Miami ang Nashville SC 10-9 sa penalties sa Leagues Cup final Sabado ng gabi sa Tennessee.
Ibinaon ni Messi sa first half ang 10th goal niya sa seven games sa Inter Miami, lahat sa Leagues Cup at itinaas ng bago niyang team ang tropeo.
Inumpisahan ng soccer star ang penalties nang pahalikin sa net ang sipa.
Natapos sa 11th round ang penalty kicks sa showdown ng goalkeepers.
Pasok din ang penalty ni Drake Callender para sa Miami bago kinumpleto ang title-clinching stop sa tira ni Elliot Pannico ng Nashville.
Pinasan ng Miami players sa kanilang balikat si Messi, nagkaroon ng extended celebration sa field matapos ipamigay ang trophies. (Vladi Eduarte)