WebClick Tracer

NEWS

Mga rider P1K multa sa EDSA bike lane

Nagbabala kahapon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kanila nang huhulihin ang mga motorcycle rider na dadaan sa bicycle lane sa kahabaan ng EDSA simula ngayong Lunes, Agosto 21.

Sa isang advisory na naka-post sa Facebook page ng MMDA, nilinaw ng ahensiya na ang bicycle lane sa EDSA ay para sa mga biker, at hindi sa mga motorcycle rider.

Base umano sa monitoring ng MMDA sa EDSA, malaking bilang ng mga motorcycle rider ang dumadaan sa bicycle lane. Dahil dito ay hindi umano magamit ng mga biker ang linya ng EDSA na itinalaga para sa kanila.

“The bike lane is not a fast lane for motorcycles. Simula bukas, Agosto 21, huhulihin na ang mga gagamit ng bicycle lane sa EDSA,” ayon sa abiso ng MMDA.

Babala pa ng MMDA na papatawan ng multa na P1,000 ang mga pasaway na motorcycle rider kapag nagpatuloy dumaan sa bicycle lane. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on