WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Mindanao uulanin sa habagat

Limang lugar sa Mindanao ang makakaranas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan dahil sa epekto habagat sa loob ng susunod pang mga oras.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), target ng aktibong paggalaw ng hanging habagat ang Palawan, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat dahil naman sa localized thunderstorm.

Nagbabala rin ang PAGASA na posible ang pagbaha at pagguho ng mga lupa sa oras ng malalakas na pag-ulan. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on