WebClick Tracer

NEWS

Ninoy Aquino ginunita sa 40th death anniversary

Nagsama-sama ang mga tagasuporta ng dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa kanyang monumento sa Makati City nitong Linggo, Agosto 20, bago ang ika-40 anibersaryo ng pagkamatay niya noong Agosto 21, 1983.

Karamihan sa kanila ay nagsuot ng dilaw na damit at nagsagawa ng wreath-laying ceremony.

Nagtali rin sila at namahagi ng mga dilaw na laso sa monumento ng namayapang mambabatas kasama ang apo ni Ninoy na si Kiko Dee.

Nagkaroon din ng “Historyahan” kung saan ikinuwento ang buhay at kamatayan ni Ninoy.

Pinaslang si Ninoy sa Manila International Airport, na ngayo’y Ninoy Aquino International Airport na, noong Agosto 21, 1983. (Issa Santiago)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on