WebClick Tracer

METRO

Pulis kinupit pera ng kabaro, sapol sa CCTV

Ipatatawag ng Cavite Police ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Philippine National Police Academy (PNPA) matapos itong akusahan ng kanyang kabaro na kumupit ng kanyang pera sa nakaparada niyang motorsiklo sa Silang, Cavite noong Sabado.

Itinuturong suspek si Patrolman Allen C. Cando, 29 ng Barangay San Juan Aliaga, Nueva Ecija, at kasalukuyang nakatalaga sa isang dibisyon ng PNPA sa Camp General Castaneda sa Barangay Tartaria, Silang, Cavite.

Inireklamo ito ni Patrolman Johnnie Estacio, 31, ng B38 L78 Racho Imperial Homes sa Barangay Tartaria Silang, Cavite.

Sa ulat ni Police Staff Sergeant Emerson Busto ng Silang Police Station, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo na Honda PCX na walang plaka sa harap ng parking Lot sa Gymnasium Post ng PNPA bandang alas-nuwebe nang umaga para kumuha ng pagsusulit sa Criminal Investigation Course (CSC).

Inamin ng biktima na naiwan niya ang susi sa kanyang motorsiklo kung saan niya itinago ang kanyang wallet na naglalaman ng P3,400.

Matapos ang kanyang pagsusulit, papaalis na sana siya sa lugar nang maramdaman niyang wala ang kanyang pitaka
Humingi siya ng tulong kay Pat. Razon ng Academic Group at hiniling dito na rebyuhin ang footage sa CCTV camera sa lugar.

Dito ay nakita nilang nasapol ng CCTV si Cando na siyang kumuha ng pitaka niya sa kanyang motorsiklo.
Iniimbestigahan na rin umano ng pamunuan ng PNPA ang insidente.(Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on