WebClick Tracer

NEWS

BuCor chief tagilid sa pagtakas ni Cataroja

May pagkakamali sa security measures sa New Bilibid Prison na nagresulta sa pagtakas ni Michael Cataroja at hindi ito katanggap-tanggap, ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

“Sobra sobrang lapses. That’s unacceptable, maximum security malayasan ng preso. Mortal sin ‘yan. Heads must roll para ‘di na mangyari ito. Nakakahiya,” pahayag ni Dela Rosa sa phone interview ng mga reporter.

Sabi ni Dela Rosa, kailangang magkaroon ng malalalimang imbestigasyon para matukoy ang command responsibility at kapabayaan at kung aabot ba ito kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr.

“Tignan natin ‘yung negligence of duty kung aabot sa kanya para may mapanagot. Command responsibility should be applied,” sabi ni Dela Rosa na naging director general ng Bureau of Corrections matapos pamunuan ang Philippine National Police (PNP) noong 2018.

Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Senate committee on justice and human rights ngayong Martes kaugnay ng pagtakas ni Cataroja.

Si Cataroja ay unang napaulat na nawawala noong Hulyo sa maximum security compound ng NBP. Muling nadakip nitong nagdaang linggo si Cataroja ng Angono police sa Sitio Minahan Bato, Barangay San Isidro. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on