WebClick Tracer

METRO

Motor lumusot sa van, tandem tsugi

DEDBOL ang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo matapos silang araruhin ng isang van sa bypass road sa bahagi ng Barangay Bagahabag, Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Ayon kay Solano Police Station commander P/Maj. Anthony Ayungo, ang mga nasawi ay sina Lito Gulla, 27, driver ng motorsiklo at John Mark Gulla, 31, kapwa construction worker, at taga-Maasin, Quezon, ng nasabing lalawigan.

Sa inisyal na report, ayon sa SPS traffic division, binabagtas umano ng mga biktima ang kahabaan ng Barangay Bagahabag gamit ang isang motorsiklo habang sumusunod ang wing van na minamaneho ng isang Manny Bautista, 48, ng Uddiawan, ng nasabing bayan.

Patungo umano ang tandem sa Bayombong Proper at bahagyang huminto sa intersection upang bigyang daan ang mga tumatawid na sasakyan ngunit dito sila sinuwag ng wing van ni Bautista.

Sinabi ng pulisya, pumailalim ang motorsiklo at nakaladkad ang mga biktima sanhi para magtamo sila ng malalalim na sugat. Agad silang dinala sa ospital ngunit binawian din ng buhay. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on