WebClick Tracer

NEWS

Sara pinabakbak abubot sa mga iskul

Nanindigan si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa kanyang utos na tanggalin ang lahat ng dekorasyon sa mga silid-aralan.

Ito’y sa kabila ng mga kritisismo na binato sa Bise Presidente kaugnay sa naturang DepEd order.

Giit kasi ng ilang netizen, tila wala naman daw masosolusyunan ang pagtatanggal ng mga classroom decoration.

Ngunit hindi natinag ang DepEd secretary, sinabi na ang mga classroom ay dapat mapanatiling malinis at functional.

“The order is what it is. Take out everything on the wall. Let learners focus on their studies,” wika ni VP Sara.

Giit pa ni Duterte, ang mga visual aids ay pwedeng gamitin ng mga guro kapag oras na ng kanilang klase.

“If teachers have lessons that require visual aids, they can do that during the time of their lessons. But as you know, students don’t just study one subject,” lahad pa niya.

Nakapaloob sa DepEd Order No. 21, na siyang naglalaman ng guidelines para sa Brigada Eskwela ngayong taon, inoobliga ang lahat ng eskuwelahan na linisin ang dingding ng school grounds at classroom ng anumang “unnecessary artwork, decorations, tarpaulin and posters.” Ang kopya ng kautusan ay in-upload sa website ng DepEd noong Agosto 3. (RP)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on