WebClick Tracer

SPORTS

Sisi Rondina, Choco Mucho binalasa ang Down Under

STANDING

TEAM W L

Vietnam 2 3 0

Vietnam 1 2 0

Choco Mucho 2 1

Kansai U 1 2

Suwon City 0 2

Autralia 0 3

Mga laro ngayon

4 pm – Suwon City vs Australia

6 pm – Vietnam 2 vs Choco Mucho

8 pm – Kansai University vs Vietnam 1

Sinandalan ng Choco Mucho si Cheryy Ann ‘Sisi’ Rondina upang walisin ang Australia, 25-15, 25-23, 25-10 sa 17th VTV Cup 2023 elims Lunes ng hapon sa Lao Cai City Gymnasium sa Lao Cai Province, Vietnam.

Tumikada ang malakas pumalong Pinay mula sa Cebu at produkto ng University of Santo Tomas, ng 19 points mula sa 17 attacks at 2 service aces, para ibangon sa straight-set loss ang Flying Titans kontra Vietnam 1 noong LInggo at ilista ang 2-1
win-loss kartada.

Nasa tersera ang Premier Volleyball League squad sa mga likuran nang nasa 1-2 na Vietnam 2 (3-0) at Vietnam 1 (2-0) sa six-team international women’s volleyfest. Gulong naman sa ilalim ang Down Under sa 0-3.

Pagkasikwat sa two sets, hindi na pinaporma ng Choco Mucho ang mga Aussie, umabante ng 15-2 sa third stanza mula sa bangis nina Rondina, Cherry Nunag, Caitlyn Viray, Maddie Madayag at Des Cheng.

“We just played our hearts there and we stuck to the plan and we just enjoyed the game earlier,” saad ni Rondina, na hinirang na best player of the game.

Bumakas sina Viray at Nunag ng tigpitong puntos habang tiglima ang sina Madayag at Cheng.
“Our mindset was to win the game. First of all, we just put (in) some work and also the eagerness to win the game and just enjoy,” dagdag ni former UAAP MVP Rondina.

Nakahambalang kay Rondina at mga katropa ang Vietnamese 2 ngayon (Miyerkoles) simula sa alas-6:00 ng gabi. Wagi rin ang Choco laban sa Kansai University of Social Welface-Japan noong Sabado sa four sets.

Ang kampanya ng Flying Titans sa VTV Cup ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa 7th PVL 2023 season-ending 2nd All-Filipino Conference.

Nakatakda ang torneo sa Oktubre 16 na tatagal hanggang Disyembre.(Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on