WebClick Tracer

SPORTS

Stephen Curry, Chris Paul mga atat nang sumabak

Mula sa dating pagiging mahigpit na magkaribal, balikatan na sina Stephen Curry at Chris Paul sa paghahabol ng NBA title.

Excited na ang dalawa na magsama sa court, iisa ang kulay ng jersey sa palapit na 78th o 2023-24 season.

“It’s a beatiful thing about basketball, you can’t write these narratives,” ani Curry via Jonathan Givony ng ESPN nitong Linggo. “To go full circle, we’ve had a lot of battles over the years. He’s in Year 18, I’m going into Year 15, it’s amazing we have an opportunity to play together and hopefully win at the highest level. He’s super competitive, and so am I.”

Dumating sa Warriors si CP3 mula Washington. Trinade siya ng Phoenix Suns sa Wizards para kay Bradley Beal.

“I’m excited about Steph, Draymond (Green), Klay (Thompson), all the different guys, Wigs (Andrew Wiggins),” salo ni Paul. “I’m excited for us to get together and see what it looks like.”

Magsisimulang tumalbog ang liga sa Oct. 24. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on