WebClick Tracer

METRO

Walang helmet; bagets nasita, buking sa karnap na motor

Arestado ang 17-anyos na binatilyo matapos maharang sa checkpoint dahil walang suot na helmet at doon ay nadiskubre pang nakaw ang minamaneho niyang motorsiklo sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen Nicolas Torre III, nadakip ng Fairview Police Station (PS 5) ang menor de edad na suspek alas-10:00 ng umaga sa Atherton St., Phase 8, Brgy. North Fairview, QC.

Nagsagawa umano ng checkpoint sa lugar ang mga otoridad nang mamataan ang nakamotor na suspek na walang helmet kaya sinita ito.

Nang hanapan ng dokumento ang binatilyo ay wala itong naipakita dahilan upang bitbitin ito ng mga otoridad.

Nabatid na nakarehistro sa isang Richie Howell ang motorsiklo nito na una nang iniulat na ninakaw noong Agosto 19, 2023.

Narekober mula sa suspek ang isang Honda Click motorcycle. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on