WebClick Tracer

SPORTS

Jordan Clarkson tutok sa 11 kasamahang papangalanan

Ngayong araw (Aug. 23), ihahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang final 12 ng Gilas Pilipinas dalawang araw bago ang siklab ng 19th FIBA World Cup 2023.

Natapyas sa 16 ang pool dahil sa injuries ng ilan, mababawasan pa ng apat.

Nabanggit na ni coach Chot Reyes na gagamitin niya ang huling tatlong exhibition matches sa pagpili ng final roster. Tinalo ng Filipinos ang Ivory Coast (85-62) pero yumuko sa Montenegro (102-87) at Mexico (84-77).

Sa takbo ng mga pangyayari, si Jordan Clarkson pa lang ang sigurado sa final 12 bilang naturalized player.

Sina Thirdy Ravena at Ray-Ray Parks lang ang hindi naglaro sa final three tuneups. Hindi nakalista si Calvin Oftana kontra Ivorians, naka-4 minutes kontra Montenegrins at DNP laban sa Mexicans.

Binangko si Chris Newsome laban sa Montenegro, nabigyan ng minuto kontra Ivory Coast at Mexico.

Ang iba pa sa pool na nakikipag-agawan sa slot ay sina bigs June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, AJ Edu at Kai Sotto, Jamie Malonzo, CJ Perez, Dwight Ramos, Scottie Thompson, Kiefer Ravena, Rhenz Abando, RR Pogoy.

Sa huling tuneup lang nagpakita si Pogoy, may 9 points sa 4 of 7 shooting.

Kung sino raw ang “fit” sa sistemang gustong itakbo ng Gilas ang papasok.

Si Kiefer ang nakalistang point guard sa lineup sa friendlies, nagbababa rin sina Thompson, Clarkson at Ramos. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on