WebClick Tracer

METRO

Nambugbog sa natsuging magnanakaw, timbog

Arestado ang isa sa 5 kataong nasa warrant of arrest at kinasuhan dahil sa nahuli at napatay nilang umano’y magnanakaw noong Hunyo 6, 2023 sa Barangay Baseco, Port Area, Maynila.

Ayon kay Major Edward Samonte, hepe ng Manila Police District – Special Mayors Reaction Team, kinilala ang suspek na si Mhike Derek Villacarlo, food panda rider at taga-Baseco Comp., Port Area, Maynila.

Ayon kay Samonte, nabatid na pinagtulungang bugbugin ni Villacarlo at apat pa niyang kasama ang nahuling sinasabing magnanakaw na si Junwar noong Hunyo 6, 2023.

Si Junwar ay namatay sa ospital matapos ang 1 buwan na pagkakaratay.

Nagreklamo ang kaanak ni Junwar sa programa sa radio ni Raffy Tulfo at noong Hunyo 16 at Hulyo 6 ay pinadalhan ng subpoena ang mga suspek para sa preliminary investigation.

Nitong Agosto 11 ay lumabas ang warrant of arrest kina Villacarlo, Rodmil Alcantara, Rodel Capito, Ramzel Nicolas at John Rowen Sugcang.

Inirekomenda ni Manila RTC ang P120,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation laban sa apat pa. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on